Paghahanda bago lumipad 🧳
Narito ang ilang mga paalala bago ka umalis sa bansang panggagalingan.
1. Magrehistro sa E-CIF.
Kung ikaw ay land-based OFW, pumunta sa https://www.balikpinas.ph/ecif-registration.html .
Kung ikaw ay sea-based OFW, https://ecif.firstaide.ph/#/.
https://www.balikpinas.ph/ecif-registration.html para sa land-based OFW
Hindi ako nakapagregister sa E-CIF bago umalis ng Saudi at nagawa ko lamang ito nang nasa hotel na (required pa rin). Sa madaling sabi, pwedeng sa pagdating na ito gawin. Lalo pa at maraming flight ang nakakancel.
2. I-check ang e-mail at i-save o i-screenshot ang QR code na nakapaloob pagkatapos magrehistro.
3. Magbaon ng mga pagkaing tumatagal at hindi kailangang lutuin gaya ng instant noodles, instant coffee, biskwit, at iba pa, kung nais, bilang pandagdag sa i-susupply na almusal, tanghalian, at hapunan.
4. Magbaon ng mga damit na sapat hanggang siyam (9) na araw.
5. Syempre, huwag magpasundo sa airport.
Sa loob ng eroplano 🛫
1. Doblehin ang mask bilang dagdag na proteksyon at gamitin ang face shield na ibibigay ng flight attendant.
3. Sagutan ang mga papel na ipamimigay ng fligth attendant. Agad gawin ang mga ito upang hindi magahol.
4. Bilisan ang pagkain upang hindi tumagal nang hindi nakamask at maiwasanng makontamina ang pagkain.
Mga form na dapat sulatan ng mga impormasyon ✍
Narito ang mga card na dapat sagutan habang nasa loob ng eroplano.
1. Health Declaration Card
2. Bureau of Immigration Arrival Card
3. OWWA Project Care Slip
4. Bureau of Customs Customs Baggage Declaration Form (hindi kinuha)
1. Manatiling nakaupo sa paglapag ng eroplano at makinig sa briefing ng Philippine Coast Guard.
Sa pagdating sa Pilipinas 🛬
1. Manatiling nakaupo sa paglapag ng eroplano at makinig sa briefing ng Philippine Coast Guard.
2. Kukuhanan ng temperatura ang lahat ng mga pasehero gamit ang thermal scanner.
3. Ihanda at ibigay ang Health Declaration Card (kulay dilaw). Matapos ang inspekyon ng Coast Guard ay maaari nang bumaba ang mga pasahero.
4. Pagkakataon mo na ito upang makausap ang iyong kamag-anak at maipabatid na kayo ay ligtas na nakalapag. Kung walang SIM o numero sa Pilpinas, gamitin ang libreng wifi ng airport (WeHealAsOne sa NAIA).
3. Ihanda at ibigay ang Health Declaration Card (kulay dilaw). Matapos ang inspekyon ng Coast Guard ay maaari nang bumaba ang mga pasahero.
4. Pagkakataon mo na ito upang makausap ang iyong kamag-anak at maipabatid na kayo ay ligtas na nakalapag. Kung walang SIM o numero sa Pilpinas, gamitin ang libreng wifi ng airport (WeHealAsOne sa NAIA).
5. Pumila sa Bureau of Immigration, para sa clearance (ibigay ang iyong passport at ang Arrival Card (pulang form)).
Paghahanda sa pagpunta sa hotel 🚌
1. Kunin ang iyong mga bagahe at kumuha ng pagkain na ipinamamahagi ng Coast Guard.
2. Pumila sa OWWA arrival counter para sa pag-a-assign ng iyong hotel na tutuluyan.
3. Ihanda ang OWWA Project Care Slip.
4. Maghintay na palabasin para sa paghahatid sa hotel.
(Kanan) nakasulat sa OWWA brochure kung saang hotel kayo ika-quarantine.
5. May mga taga-OWWA na tutulong na magsakay at magbaba ng mga bagahe.
Sa aming sinakyang coaster, may isang babae na hindi pasahero o OFW ang nakasakay at nagpapalit ng pera (money exchange).
- Bakit ito pinapayagan? Marahil ay hindi ito alam ng awtoridad.
- Delikado 'yon sa kanyang kalusugan maging ng mga bagong-uwing OFW.
- 48 pesos ang US dollars, maramihan, at 40 pesos lang kung 1 USD lang
- 12 pesos ang Saudi riyals
Sa pagdating sa hotel 🏨
Salamat sa mga taga-OWWA at sa mga taong nag-assist sa aming mga OFW.
Ang cool din ng tattoo ni kabayang taga-OWWA. 🤘
1. Manatili sa sasakyan hanggang sa matapos ibaba ang mga bagahe at ma-spray-an ng disinfectant.
2. Matapos ang disinfection ay papapasukin na sa hotel para sa briefing ng mga OWWA officers hinggil sa mga patakaran habang naka-quarantine.
3. Sasagutan ang Guest Registration Card na nangangailangan lamang ng pangalan, address sa Pilipinas, email address, mobile number, at pirma.
Pagkatapos nito ay...
Manatili sa loob ng kwarto 🛌
Medyo mahirap ang ma-quarantine. Mahirap ang 'di makalabas. Mahirap ang mag-isa sa loob ng mahigit isang linggo.
Pero mas mahirap ang malockdown nang pagkatagal-tagal, mawalan ng trabaho, ang maghintay sa ayuda, ang magkasakit, o iba pang mga dinanas/dinaranas ng ating mga kababayan.
Magpasalamat, maglibang, mag-exercise sa loob ng kwarto at ihanda ang isip sa iyong paglabas.
Swab (RT-PCR) test sa ika-anim (6th) na araw 🔬
1. Walang ispesipikong oras ang test at maghintay sa tawag. Ang test ay isasagawa ng taga-Philippine Coast Guard.
2. Dalhin ang passport at ang cellphone para sa kopya ng QR code ng E-CIF para sa veification ng iyong record.
3. Magpatest.
4. Pagkatapos, bumalik muli sa kwarto at hintayin ang resulta.
Pagtrack at pagtingin ng RT-PCR test result 🙏
1. Para makita ang status ng test, pumunta sa https://balikpinas.ph/OSS/checkforresult.html at mag-login sa gamit ang QR code reference number at apelyido.
2. Balik-balikan* ang site at i-check para sa resulta at para sa Unified Certificate mula sa Bureau of Quarantine (BOQ) .
*Wala akong natanggap na text o e-mail tungkol sa aking resulta, kaya maya't maya ang aking pagcheck sa website. |
3. Ipaalam sa OWWA representative sa hotel ang resulta upang alamin ang desisyon o abiso tungkol sa iyong pag-uwi.
(Nauna ang aking pagtawag sa OWWA subalit kinagabihan ay may isa pang representative ang tumawag para ipaalam ang aking resulta at maaari nang magcheck-out kinabukasan).
Pag-checkout at mga transportasyon 🏠
1. Sa araw ng pag-uwi, bumalik sa tanggapan ng OWWA sa hotel. Ipakita ang passport at ang negative test result. Sila din ang namamahala sa iyong pag-checkout.
2. Alamin ang mga instructions tungkol sa pag-uwi, lalo kung ikaw ay walang sundo at magpapahatid sa OWWA shuttle sa PITX (o Parañaque Integrated Terminal Exchange) para sa mga taga-Luzon.
Mahalaga: sa partikular na araw na ito, limitado ang byaheng PITX at walang papuntang Bicol gawa ng sama ng panahon.
3. Kung flight/eroplano ang kailangan (para sa Visayas at Mindanao lamang), magregister sa OWWA "Uwian Na" Program (https://uwianna.owwa.gov.ph/). Mayroon ding OWWA shuttle na maghahatid papunta sa airport.
4. Kung may sundo o mamamasahe ay maaari nang lumabas pagkatapos ng check-out.
Konklusyon
Sa kabuuan, maayos ang pamamalakad ng Philippine Coast Guard at OWWA mula pa lamang sa eroplano hanggang sa makalabas ng hotel.
Kailangan ng ating kooperasyon (pagsunod sa mga instructions, pagpila nang maayos, at pakikinig) upang mas lalong mapadali ang mga proseso.
Patuloy ang pagtaas ng bilang ng kaso ng may Covid-19 sa atin at sa ibang panig ng mundo (maging sa Saudi Arabia ay biglaan muli ang pagtaas ng kaso bawat araw), kaya patuloy nating obserbahan at sundin ang mga patakaran para unti-unti nating malagpasan ang pandemyang ito.
Maligaya at ligtas na paglalakbay, kabayan!